Date Issued: October 2014
WEST CAVITE SPORTS UNIT ’14,
NAGTAGUMPAY SA TULONG NG MGA TRECEÑO
NAGTAGUMPAY SA TULONG NG MGA TRECEÑO
Mayor Melan De Sagun, together with Mrs, Constancia Luclucan, Dr. Jose Co and Dr. Rodolfo Cruz, raises the WCSU flag.
“Matutulungan din nitong maiiwas ang mga kabataan sa mga masasamang bisyo o sa mga hindi magagandang gawain dahilan ito upang makuha nyo ang aking suporta sa anumang kailangan ng palarong ito,” dagdag pa niya.
Sa pakikiisa at pakikipagtulungan ng Pamahalaan ng Lungsod ng Trece Martires City, tagumpay na naisagawa ang West Cavite Sports Unit 2014 na pinangunahan ng Trece Martires City National High School mula ika-16 hanggang 18 ng Oktubre.Kaugnay nito, upang masiguro ang kaligtasan ng mga manlalaro at mga opisyal, naglaan ng mga police officers at mga barangay tanod ang pamahalaang lungsod. Gayundin, nagpadala ng mga ambulance at rescue personnel sa bawat lugar na pinagdausan ng mga palaro upang mapaghandaan ang anumang aksidente na maaring maging kaakibat ng laro.
Bahagi din ng tulong na ibinigay ng pamahalaan ang mga uniform para sa mga manlalaro at opisyal kasama na ang pagpapagamit ng sports facilities ng bawat barangay para sa mas organisadong pagpapatakbo ng nasabing paligsahan.
Naging bahagi rin sa WCSU ang ilang opisyales ng pamahalaan kasama ang ilang punong guro at superbisor ng bawat distrito sa pangunguna nina Dr. Josefa Co ,District Supervisor ( Elementary) Dr. Rodolfo D. Cruz, EPS II- MSEP/MAPEH kasama ang ilang opisyal ng lokal ng lunsod ng pamahalaan ng Trece Martires.
Nagpakitang gilas ang 6 na distrito mula sa iba’t ibang paaralan ng General Trias , Tanza, Naic , Maragondon , Ternate, at Trece Martires City.