Miyerkules, Nobyembre 5, 2014

NOVEMBER 2014 ARTICLE 3

MDS NEWSLETTER
Dated Issued: November 2014


CITY HALL BUILDING RENOVATION   

      “Ang pagkakaroon ng maayos, maaliwalas at kaaya - ayang tanggapan ang nais natin para sa ating opisyal at kawani,” ani ni Mayor Melan. Ang kasalukuyang ginagawang extension sa ikalawang palapag ng cityhall ay ang tanggapan ng Ikalawang punong lungsod. Ito ay sinimulan noong October 2014 at inaasahang matatapos sa Pebrero 2015. Ito ay may lawak na 180 square meters na maglalaman ng Vice Mayor’s Office, Conference Room, Staff Area, kitchen at receiving area para sa mga mamamayan.

      Ang lahat ng mga pintuan ay salamin upang mapatuloy ang maaliwalas na kapaligiran. Inaasahan din ang pagsasaayos ng covered court sa likod sa susunod na taon.

      Makikita sa larawan ang ilang pagbabago sa cityhall building habang ito ay ginagawa.



Martes, Nobyembre 4, 2014

NOVEMBER 2014 ARTICLE 2

MDS NEWSLETTER
Dated Issued: November 2014



MAPAGBIGAY ALAB (MAHARLIKA SHRINE CLUB) AT
 TMC  LOGDE # 350 NAMIGAY NG WHEEL CHAIR



          Bilang pagkalinga sa ating mga minamahal na kalunsod na hindi makalakad, namigay ng wheel chair ang mga miyembro ng Mapagbigay Alab Shrine Club at TMC Lodge # 350 ( Free and Accepted Masons ) nitong nakaraang Nobyembre 2014, kasabay ng lingguhang pagpupugay sa watawat ng mga kawani ng lungsod. Ang ating Punong Lunsod Melandres De Sagun ay Pangalawang Pangulo sa Class Mapagbigay Alab, ang kilalang Actor na si Diether Ocampo ang tumatayong Pangulo nito. Si Mayor Melandres De Sagun ay kaanib din ng TMC Lodge  # 350 (Free and Accepted Masons).

        Kasama rin sa larawan sina Bros. Jun Navarro, Zaldy Cruzata, WM Bernie Pau, Boy Mercado, Nico Pilapil, Ms. Nora Delos Santos, Ms. Lucy Agraba ng CSWD, Vice Mayor Alex Lubigan, Ed Barican, Rossel  Sinsay, Bernard Cubol, CPDC at Past Master Alberto Ararao, Noble  Jeff Ferrer (kinatawan ni Pres. Diether Ocampo) at Ed Torrecamada. Isa sa pangunahing layunin ng Shrine Club ay matulungan ang mga batang lumpo o Crippled Children.

Lunes, Nobyembre 3, 2014

NOVEMBER 2014 ARTICLE 1

MDS NEWSLETTER
Dated Issued: November 2014



2014 BRIGADA ESKWELA, PINARANGALAN



         “Isang mahalagang pagkilala sa ating pagtutulungan at koorperasyon ang parangal na ito,” ayon kay Mayor Melandres de Sagun  tinanggap na award para sa Brigada Eskwela 2014.

      Ang Brigada Eskwela ay taon - taong ginagawa ng pampublikong paaralan elementarya at highschool  bago magsimula ang pasukan, sa tulong ng ating punong lungsod na si Mayor Melan de Sagun, pangalawang punong lungsod na si Vice Mayor Alexander Lubigan at mga konsehal ng bayan ng mga pribadong sektor, mga mag-aaral, magulang at volunteers.
Dahil dito noong ika-26 ng Nobyembre sa Meralco Theater, Meralco Compound Pasig City pinangaralan ng “Hall of Fame Award” ang Trece Martires City Elementary School Division of Cavite, Region IV-A.

        Makikita sa larawan na dinaluhan ito nila G. Christopher Galpa(Executive Assistant II), Kgg. Lito Villanueva, Kgg. Carlito Aure, Kgg. Venancio Gatdula, Kgg. Rona Bago, Dr. Josefa Co, punong guro na sina Gng. Helen Aure at Gng. Constancia Luclucan at kasama ang ilang guro ng elementarya at high school.