Date Issued: November 2013
AYUDA SA TYPHOON YOLANDA
Tatlong araw bago manalasa ang Super Bagyong Yolanda (Haiyan) noong November 8, 2013 nagpalabas na ng abiso ang PAG-ASA at Tanggapan ng Pangulo na paghandaan ang pagdating ng mala-delubyong lakas na maituturing sa buong mundo. Ang Pilipinas ang tatamaan at partikular na masasalanta ang ka-Bisayaan. Ito ay ang mga lugar ng Samar, Leyte, ilang parte ng Negros, Iloilo at Cebu.
Ito na marahil sa taong 2013 na maituturing na halos kawalang pag-asa sa karanasan ng ating mga kababayan Pilipino sa kabuhayan, ari-arian, ilang kapamilya at kaanak na nawalan ng buhay at nasawi sa pananalasa ng bagyong Yolanda. Lalo’t higit ang mga survivors na halos naigupo ng matinding delubyo. Tanging dasal ang utal kung hanggang saan at kailan sila masasagot ng panalangin na matulungan.
Matapos ang pangyayaring ito, agarang umayuda ang Pamahalaang Lunsod ng Trece Martires sa pamamagitan ng City Disaster Risk and Managament Council sa panagunguna ni Kgg. Mayor Melan de Sagun na agarang pulungin ang miyembro upang makapaghatid ng suporta sa ating mga kababayan sa Visayas. Ang panawagang tumulong ay parang isang biyaya na siksik, liglig at umaapaw na halos mapuno ang lobby ng city hall sa mga relief goods, mga damit at gamot mula sa iba’t-ibang sector ng Trece Martires maging simpleng mamamayan nito. Dahil din dito, bumuhos ang suporta mula sa mga institusyon, organisasyon at emplyado ng pamahalaang lunsod na makibahagi sa kung saan mang paraan.
Dalawang araw matapos ang anunsiyo agad nagkasa ng “Medical at Relief Operation” ang Pamahalaang Lunsod ng Trece Martires at nakaipon ng mahigit sa 300 sakong mga used clothes at halos 5, 000 relief goods (bigas, de lata, noodles, tubig, personal hygiene,) at mga medical supplies na isusuporta sa pamahalaang nasyonal at mga bansang handing umalalay sa ating mga kababayang nasalanta. Isang gawain nabuhay muli ang bolunterismo at pagtutulungan maging mga bata o matatanda.
Unang bahagi ang lugar ng SAN DIONISIO sa Lalawigan ng ILOILO noong November 19-22, 2013 kung saan pitong barangay (POBLACION, SIEMPREVIVA, NIPA, SUA, TIABAS, BORONGON, AGDILARAN) ang naayudahan ng Pamahalaang Lunsod ng Trece Martires kaagapay ang samahan ng mga Mason (Lodge 310). Kasama sa napuntahan ang mga Barangay ng Naborot, Talo-Ato at Odoniongan na kung saan sa local na MDSWD ang pinaghatiran ng tulong. 1, 800 mga relief goods ang natanggap ng mahigit sa 500 mga pamilya. Sa lugar ng Barangay Poblacion at Agdilaran naman din naganap ang agarang nabigyan ng atensiyon medical at mahigit 800 mga survivors doon ang natulungan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento