Martes, Hunyo 4, 2013

JUNE 2013 ARTICLE 2

MDS NEWSLETTER
Date Issued: June 2013

PAGBATI NI MAYOR MELAN



Mayor Melan De Sagun
Punong Lungsod

       
              Sa ating paggunita ng ating ika –115 taong kasarinlan, tayo’y magbalik tanaw hindi lamang sa mga bayani na nagbuwis ng buhay noong panahon ng pananakop kundi pati ang mga bayani ng makabagong panahon ang ating mga overseas Filipino workers, mga guro, mga magsasaka, mga mangigisda at manggagawa. Bawat isang Pilipino nagsisikap ay nagaambag sa paglago ng ating ekonomiya.

           Sa ating sariling lunsod, malaking bahagi ng mga Treceños ay    nangingibambansa upang tustusan ang pangangailangan ng kanilang  pamilya.  Kaisa po ninyo ang Pamahalaang Lunsod ng Trece Martires  sa inyong hangarin na umunlad.

          Sa aking administrasyon asahan ninyo na patuloy naming itataas ang antas ng serbisyo para ating mamamayan upang maramdaman ng lahat ang benepisyo ng “matuwid na daan” ng Pangulong Benigno Aquino III. Bilang ama ng lungsod, hinihingi ko ang inyong partisipasyon na gawing kaaya-aya ang ating lunsod sa mga mamumuhunan sa pamamagitan ng pagtulong sa pananatili ng kalinisan, pagiging handa sa anu mang sakuna at pananatili ng pagtaguyod sa inyong mga anak at pamilya. 

      Sama sama nating ipagdiwang ang Kalayaan 2013: “Ambagan     Tungo sa Malawakang Kaunlaran”!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento