MDS NEWSLETTER
Date Issued: July 2015
“Ang ating hangarin sa buong lunsod ng Trece Martires ay handa sa anumang sakuna o kalamidad, simulan natin ito sa pamamagitan ng paghahanda sa bawat pamilyang Trecenio”, ani ni Mayor Melan.
Ang City Disaster Risk Reduction Management Office ay naghanda para sa Disaster Consciousness Month ngayong buwan ng Hulyosa pamamahagi ng Earthquake Drill brochures. Nakalagay dito ang ibat ibang impormasyon at mga paraan upang magiging handa sa lindol at mga bagay na kailangang ihanda bago pa man ito mangyari.
Ang unang dinayo ng CDRRMO Team ang mga barangay ng Lunsod tulad ng: Aguado (495), Cabuco (371), Cabezas (63), Conchu (81), De Ocampo (5), Inocencio (30), Gregorio (77), Lallana (22), Lapidario (38), Luciano (101), Hugo Perez (414), Osorio (195), San Agustin (115). Sa kabuuan ay nakapagseminar ang CDRRMO ng kabuuang 2,375 tao sa buiong lunsod. Sinundan naman ito ng seminar at awareness program para sa pribado at pampublikong paaralan sa ating syudad.
Lahat ng gawaing ito ay bilang paghahanda sa Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) na ginanap Hulyo 23, 2015. Ikalawa na ito sa pangbansang paghahanda para sa isang malaking lindol. Ating tandaan na mayroon West Valley Fault na nagmumula sa Maynila at nagtatapos sa Carmona, Cavite.
Ang ating pagiging handa sa anu mang sakuna lalo na sa lindol ay mahalaga upang masiguro na ang ating buhay at buhay ng ating mga mahal sa buhay ay maisasalba. Kasama din sa paghahanda ay ang pagkakaroon ng lugar kung saan magkikita kita ang mga miyembro ng bawat pamilya kung sakaling magkakahiwalay sila kung may lindol na nangyari. Lahat ay inaasahang maging handa sa anu mang sakuna.