Date Issued: 2015
KUMAIN NG WASTO, MAGING AKTIBO
"Malaking bahagi ng ating pang araw-araw na gawain ang maging aktibo at kumain ng tama", ani ni Mayor Melan De Sagun.
Nakatuon ngayon ang selebrasyon ng Buwan ng Nutrisyon sa pagwawasto ng timbang sa pamamagitan ng nutrisyon at ehersisyo. Bagama't hindi na bagong pananaw ito, nakakaligtaan pa rin ng nakakarami ang pangangalaga at pagmintina ng tamang timbang.
Sa kasalukuyan karamihan sa ating kinakain ay naprosesong pagkain: hotdog, de lata, o di kaya'y pagkain sa mga fastfood na mataas ang lebel ng kolesterol. Nakakalimutan na natin ang kahalagahan ng pagkain ng gulay at prutas dahil sa dami ng ating trabaho at gawaing bahay. Ang ganitong pangyayari ay nagaganap sa karamihan sa miyembro ng pamilyang Pilipino na lalong nagpapalala sa pagiwas sa mga gawaing pisikal. Ang resulta ay tumataas ang ating timbang at nangongolekta tayo ng samu't saring mga sakit at nararamdaman na hindi maalwan sa katawan.
Muling hinihikaya't ng pamahalaang lunsod ang bawat isa na maging aktibo at yakapin ang "healthy lifestyle". Simulan na natin ngayon at iwasan natin ang mahal na pagpapagamot sa ospital sa hinaharap.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento