Lunes, Enero 5, 2015

NUTRITRECE 2015 QUARTER 1

NUTRITRECE ARTICLE 2
Date Issued: 2015

NUTRITION MONTH KICK-OFF

Hindi naging hadlang ang malakas na pag-ulan sa pagsisimula ng taunang selebrasyon ng Buwan ng Nutrisyon sa Lunsod ng Trece Martires noong Ika-6 ng Hulyo, 2015. Ang tema sa ika-41 selebrasyon ng Nutrition Month ay "Timbang iwasto sa tamang nutrisyon at ehersisyo. Kasabay ng linguhang pagpupugay sa watawat ang buong City Nutrition Council suot ang kanilang nutrition month t-shrit. 

Ang kulay berde ay sumisimbulo sa ating pagkilala sa kahalaghahan ng "green leafy    vegetables" at prutas sa ating araw-araw na pagkain upang makamit ang tamang nutrisyon. Tampok din sa araw na iyon ang buong pwesra ng Barangay Nutrition Scholar na naghandog ng isang pampasiglang bilang para sa lahat ng empleyado. Bilang bahagi ng mga gawain sa buwan ng nutrisyon naglagay din ng mga tarpulin sa piling mga lugar upang makita ng mas nakakarami ang tema ng selebrasyon.

Ilan sa mga inaantabayanang aktibidad ay ang: Poster Making Contest para sa elementarya at high school sa publiko at pribadong paaralan, Nutri-Quizbee Contest para sa mga mag-aaral ng elementarya, Busog sa Nutrsiyon at Sayawan na isang fund-raising para sa mga BNS ng lunsod at ang Malusog na katawan dahil sa Sayaw na gaganapin isa ika-31 ng Hulyo sa Brgy Inocencio. Sa katapusan din ng buwan gaganapin ang pinakahihintay na paggawad ng mga parangal sa natatanging barangay para sa nutrisyon at ang natatanging Barangay Nutrition Scholar.


NUTRITIONAL ASSESSMENT OF NUTRITION TEAM

Noong Ika-9 ng Hulyo, 2015 naganap ang Nutritional Assessment of Nutrition Team in          cooperation with PHO - Cavite & NDAP Cavite Chapter held at Korea - Philippines Friendship      hospital lobby.
Ang Bilang ng BNS: Aguado - 6, Cabezas - 2, Cabuco - 3, Conchu  - 2, De Ocampo - 3,  Gregorio - 2, Inocencio - 6, Lallana - 1, Lapidario - 3, Luciano - 4, Osorio - 3, Hugo Perez - 7, San Agustin - 3 na may kabouan 45 kasama rin ang staff ng nutrition na 3.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento