Huwebes, Agosto 7, 2014

AUGUST 2014 ARTICLE 4

MDS NEWSLETTER
Date Issued: August 2014


NATIONAL HEROES DAY

         National Heroes' Day is a national holiday of Philippines, celebrated to pay homage to the National Heroes of the country. Every year this day falls on the fourth Monday of    August.
            
            Initially National Heroes’ day was celebrated on 30th of November as it was the birthday of Andres Bonifacio, founder of the Katipunan. Later this day it was moved to the fourth Monday of August, to pay tribute to all other known or unknown men and women who sacrificed their lives for Philippine freedom.
         
             Philippines achieved its identity due to the noble deeds made by numbers of people, known as National Heroes. People of Philippines celebrate this day with a great enthusiasm. This is a perfect day to remember the life and work of all these great people.

Miyerkules, Agosto 6, 2014

AUGUST 2014 ARTICLE 3

MDS NEWSLETTER
Dated Issued: August 2014


BUWAN NG WIKA NG DAYCARE


          Ang Aklatang Panlalawigan ng Cavite ay muling nagdiwang ng Buwan ng Wika ngayong Agosto na may temang "Filipino: Wika ng Pagkakaisa". Sa pangalawang taon ay nakasentro ang mga pagdiriwang sa mga batang daycare ng Trece Martires City. Nagdaos ng patimpalak sa pag-awit at pagtula sa Wikang Filipino at ang Pinal na Pagtutunggali ay ginanap sa Provincial Gymnasium noong Agosto 29, 2014. Layunin nito na ipakita ang     natatanging talento sa pag awit at pagtula ng mga batang daycare sa murang gulang na 2.5 - 4.5 taon. Ang mga alituntunin ng patimpalak ay ang mga sumusunod: Legitimong mag aaral ng daycare sa Trece Martires, piyesa ay sa wikang Filipino, saliw ang piyano,   gitara o minus one at 3-4 minutong presentasyon hindi pa lumahok sa mga pambansang kumpetisyon. Ang mga mapalad na batang nagwagi ay sina: G. JEFFREY BAUTISTA -- Makata ng Taon (De Ocampo Daycare) G. NORAF FRANK GONZALES - First Prize - Pag-Awit (Southville 2 Daycare) G. APHRODITE MARFE -Second Prize-Pag Awit (GK - Sibol) BB. ELAISA DELA CRUZ - Third Prize-Pag-Awit (Ches 1 Daycare) Sila ay tumanggap ng      salapi, sertipiko at trophy mula kay bise gobernador Jolo Revila. Ang pagdiriwang na ito ay sa pamamahala ni Ginang Connie Villanueva-Katiwala ng Aklatan sa tulong ng maganda at masipag na si Mam Sonia na siyang nag emcee ng programa.

Martes, Agosto 5, 2014

AUGUST 2014 ARTICLE 2

MDS NEWSLETTER
Date Issued: August 2014



SAKIT SA BALAT, HUWAG BALEWALAIN!

SA HEALTH CENTER MAGPATINGIN



          Ang ketong ay sakit sa balat na sanhi ng Mycobacterium Leprae. Ang mga palatandaan nito ay mga mantsa sa balat na maaring namumuti o  mamula, walang pakiramdamm, hindi pinagpapawisan, hindi tinutubuan ng balahibo at hindi gumagaling sa mga gamut na nakakahawa.

     Ang ketong ay hindi agad na nakakahawa. Hindi ito sanhi ng kulam, pagkapasma, pagkain ng karne ng hayop o gulay. Hindi rin ito parusa ng Diyos. Hindi ito namamana sa mga magulang o kamaganak. Hindi nito natatanggal ang mga daliri, tenga o ilong.

          Ang ketong ay nagagamot sa pamamagitan ng Multi-Drug Therapy (MDT) ang tagal ng gamutan ay depende sa dami ng sugat (Lesion) sa katawan.

       Ang MDT ay libre at makukuha sa ating Health Center, makipagugnayan sa telepono bilang (046) 41924-25 / 419-00-91 o    pumunta agad sa health center kung may kaduda-dudang mga sugat.

Lunes, Agosto 4, 2014

AUGUST 2014 ARTICLE 1

MDS NEWSLETTER
Dated Issued: August 2014



PUKSAIN ANG KITI KITI, SUGPUIN ANG DENGUE



          “Kaya nating masugpo ang sakit na dengue kung sama-sama tayong kikilos” ayon kay Mayor Melan De Sagun.

              Ang mga palatandaan o sintomas ng dengue ay mga sumusunod: (1) mataas at tuluy-tuloy na lagnat na tumatagal ng 2-7 araw  na may kasamang pananakit ng kalamnan at kasukasuan, pananakit ng ulo, tiyan at panghihina; (2) walang ganang kumain; (3) pamumula ng balat sanhi ng mataas na lagnat; (4) pagkakaroon ng maliit at mapupulang pantal, at (5) pagdurugo ng ilong o gilagid.

             Paraan ng pagiwas: 4-s Laban sa Dengue: Search and Destroy: (1) Itapon ang mga bote, lata at iba pang maaring pagipunan ng tubig at pagtigilan ng lamok, (2) Linisin ang mga alulod ng bahay, (3) Palitan ang tubig sa flower vase minsan sa isang linggo, (4) Tiyakin na walang naiipong tubig sa ilalim ng paminggalan at refrigerator, (5) Takpan ang mga drum o iba pang imbakan ng tubig. Self-Protection Measures: Magsuot ng pantalon at ng polo o kamiseta na may mahabang manggas. Maari ding gumamit ng mosquitos repellant sa araw. Seek Early Consultation: Kung may lagnat na isang araw at may rashes sa balat, pumunta at komunsulta agad sa pinakamalapit na health center o ospital. Say yes to fogging if there is an impending outbreak: Mag fogging kapag mabilis ang pagtaas ng kaso.