Lunes, Agosto 4, 2014

AUGUST 2014 ARTICLE 1

MDS NEWSLETTER
Dated Issued: August 2014



PUKSAIN ANG KITI KITI, SUGPUIN ANG DENGUE



          “Kaya nating masugpo ang sakit na dengue kung sama-sama tayong kikilos” ayon kay Mayor Melan De Sagun.

              Ang mga palatandaan o sintomas ng dengue ay mga sumusunod: (1) mataas at tuluy-tuloy na lagnat na tumatagal ng 2-7 araw  na may kasamang pananakit ng kalamnan at kasukasuan, pananakit ng ulo, tiyan at panghihina; (2) walang ganang kumain; (3) pamumula ng balat sanhi ng mataas na lagnat; (4) pagkakaroon ng maliit at mapupulang pantal, at (5) pagdurugo ng ilong o gilagid.

             Paraan ng pagiwas: 4-s Laban sa Dengue: Search and Destroy: (1) Itapon ang mga bote, lata at iba pang maaring pagipunan ng tubig at pagtigilan ng lamok, (2) Linisin ang mga alulod ng bahay, (3) Palitan ang tubig sa flower vase minsan sa isang linggo, (4) Tiyakin na walang naiipong tubig sa ilalim ng paminggalan at refrigerator, (5) Takpan ang mga drum o iba pang imbakan ng tubig. Self-Protection Measures: Magsuot ng pantalon at ng polo o kamiseta na may mahabang manggas. Maari ding gumamit ng mosquitos repellant sa araw. Seek Early Consultation: Kung may lagnat na isang araw at may rashes sa balat, pumunta at komunsulta agad sa pinakamalapit na health center o ospital. Say yes to fogging if there is an impending outbreak: Mag fogging kapag mabilis ang pagtaas ng kaso.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento