MDS NEWSLETTER
Dated Issued: August 2014
BUWAN NG WIKA NG DAYCARE
Ang Aklatang Panlalawigan ng Cavite ay muling nagdiwang ng Buwan ng Wika ngayong Agosto na may temang "Filipino: Wika ng Pagkakaisa". Sa pangalawang taon ay nakasentro ang mga pagdiriwang sa mga batang daycare ng Trece Martires City. Nagdaos ng patimpalak sa pag-awit at pagtula sa Wikang Filipino at ang Pinal na Pagtutunggali ay ginanap sa Provincial Gymnasium noong Agosto 29, 2014. Layunin nito na ipakita ang natatanging talento sa pag awit at pagtula ng mga batang daycare sa murang gulang na 2.5 - 4.5 taon. Ang mga alituntunin ng patimpalak ay ang mga sumusunod: Legitimong mag aaral ng daycare sa Trece Martires, piyesa ay sa wikang Filipino, saliw ang piyano, gitara o minus one at 3-4 minutong presentasyon hindi pa lumahok sa mga pambansang kumpetisyon. Ang mga mapalad na batang nagwagi ay sina: G. JEFFREY BAUTISTA -- Makata ng Taon (De Ocampo Daycare) G. NORAF FRANK GONZALES - First Prize - Pag-Awit (Southville 2 Daycare) G. APHRODITE MARFE -Second Prize-Pag Awit (GK - Sibol) BB. ELAISA DELA CRUZ - Third Prize-Pag-Awit (Ches 1 Daycare) Sila ay tumanggap ng salapi, sertipiko at trophy mula kay bise gobernador Jolo Revila. Ang pagdiriwang na ito ay sa pamamahala ni Ginang Connie Villanueva-Katiwala ng Aklatan sa tulong ng maganda at masipag na si Mam Sonia na siyang nag emcee ng programa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento