Martes, Agosto 5, 2014

AUGUST 2014 ARTICLE 2

MDS NEWSLETTER
Date Issued: August 2014



SAKIT SA BALAT, HUWAG BALEWALAIN!

SA HEALTH CENTER MAGPATINGIN



          Ang ketong ay sakit sa balat na sanhi ng Mycobacterium Leprae. Ang mga palatandaan nito ay mga mantsa sa balat na maaring namumuti o  mamula, walang pakiramdamm, hindi pinagpapawisan, hindi tinutubuan ng balahibo at hindi gumagaling sa mga gamut na nakakahawa.

     Ang ketong ay hindi agad na nakakahawa. Hindi ito sanhi ng kulam, pagkapasma, pagkain ng karne ng hayop o gulay. Hindi rin ito parusa ng Diyos. Hindi ito namamana sa mga magulang o kamaganak. Hindi nito natatanggal ang mga daliri, tenga o ilong.

          Ang ketong ay nagagamot sa pamamagitan ng Multi-Drug Therapy (MDT) ang tagal ng gamutan ay depende sa dami ng sugat (Lesion) sa katawan.

       Ang MDT ay libre at makukuha sa ating Health Center, makipagugnayan sa telepono bilang (046) 41924-25 / 419-00-91 o    pumunta agad sa health center kung may kaduda-dudang mga sugat.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento