MDS NEWSLETTER
Date Issued: September 2014
AMBULANSYA AT MOTOR MULA KAY
CONGRESSMAN JON-JON
CONGRESSMAN JON-JON
“Sa pamamagitan ng ambulansya at mga motorsiklong ito mas mabilis ang responde ng mga nangangalaga sa kapayapaan at kalusugan sa lunsod ng Trece Martires”, saad ni Congressman Jonjon Ferrer, ang kinatawan sa Kongreso ng ika—6 na Distrito ng Cavite sa Flag Raising Ceremonies noong ika-29 ng Setyembre, 2014.
Limang motorsiklo na may sidecar at isang ambulansya ang binigay ng kongresista sa Lunsod ng Trece Martires na masayang tinanggap ni Mayor Melan De Sagun noong Lunes ng umaga.
Ang lumalaking populasyon ng lunsod ay nagdala ng kaakibat na dagdag na kinakailangang serbisyo para sa kalusugan at matinding hamon sa pananatili ng seguridad at kapayapaan sa lunsod.
Batid ni Congressman Ferrer at ni Mayor Melan na ang mga kaso ng krimen sa mga nagdaang panahon at patuloy na tumataas bugso ng patuloy na pagdating ng mga bagong residente ng lunsod sa mga relocation areas partikular sa ika-6 na distrito.
Ayon sa ABC Federation President na si Kap. Romeo Monthermoso, ang mga nasabing sasakyan ay lubos na pakikinabangan ng lunsod. Ang kanilang pasasalamat ay pinabatid nila kay Congressman Ferrer sa munting salo-salo na ginanap sa tanggapan ng punong lunsod matapos ang programa.
(Unang larawan mula sa taas) Ang pagtanggap ng donasyon mula kay Cong Ferrer ay ginampanan ni Mayor Melan De Sagun at mga kapitan ng 13 barangay ng lunsod.
(Ikalawang larawan) Mismong si Mayor Melan at si Cong. Ferrer ang naginspekston sa isa sa motorsiklo sa katuwaan ng mga kawani ng lunsod.
(Ikatlong larawan) Ang donasyong ambulansya ay tunay na napapanahon dahil sa dumaraming kaso ng pangangailangang medikal ng mamamayan ng lunsod.