Date Issued: September 2014
CBMS PARA SA KAUNLARAN
Si Mayor Melan De Sagun (nakaputi sa gitna) kasama ang buong pwersa ng CPCDO sa pamumuno ni G. Ambeth Ararao at mga enumerators ng CBMS.
“Ang patuloy na pagtugon sa lumalaking pangangailangan ng ating mamamayan ay kaakibat ng patuloy na paglago ng ating Lunsod. Kailangan natin ng tunay at sapat na impormasyon mula sa bawat isang residente upang ang ating mga gawain ay naayon sa mga pangangailangang nila sa ngayon.” Ito ang layunin ni Mayor Melan De Sagun sa simula ng pagsasanay ng mga enumerators para sa Community Based Monitoring System (CBMS) Training noong ika Setyembre 26, 2014.
Ang CBMS ay nangangailangan ng 142 na tagakalap ng impormasyon mula sa bawat pamilya sa lunsod na tinatawag na enumerators para sa bawat barangay Nagsisimula ang pangangalap ng impormasyon sa ika-6 ng Oktubre, 2014. Ang CMBS ay pinagtibay ng isang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng DILG at ng Pamahalaang Lunsod sa katauhan nila DILG Regional Director Jesefina E. Castilla-Go at ni Mayor Melan De Sagun na pinirmahan noong ika 13 ng Enero 2014. Sinundan ito ng Executive Order No. 04 na pinagtibay noong ika-22 ng Hulyo na nagbalangkas sa layunin, kasapi at mga gawain ng CBMS para sa lunsod.
Inaasahan na ang 167 tala ng katanungan para sa bawat pamilya ay makapagbibigay ng maagap, tapat at tunay na kalagayan ng bawat Treceno sa lunsod. Ang impormasyong ito ang mahalagang bahagi ng paggagawa ng plano para sa programa ng gobeyrno upang labanan ang kahirapan at masigurado ang kalusugan ng bawat pamilyang Treceno.
Ang mga pagsasanay ay pinamunuan ni Gng. Maria Melita O. Villaruel ang LGOO V ng DILG-Cavite at tinagurian ding Technical CBMS Expert.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento