Miyerkules, Setyembre 3, 2014

SEPTEMBER 2014 ARTICLE 3

MDS NEWSLETTER
Date Issued: September 2014


PROVISION OF HOT MEAL




      “Malusog na kabataan ay kayamanan ng isang lunsod”, ani ni   Konsehal Lito Villanueva sa pagpapakain na handog ng Provision of Hot Meal para sa Day Care Supervised Neighborhood Play (SNP) sa Barangay Aguado mula sa DSWD Region IV-A noong ika-15 ng Setyembre, 2014 hanggang ika-13 ng Marso, 2014.

     Sa kabuuan 3,595 na bata sa lunsod ang benepisyaryo ng programang ito. 305 ay mga malnourished children na hindi naka-enroll sa alin mang 40 Daycare ng lunsod. Layon ng programang ito na mabawasan at sa huli ay masugpo ang malnutrisyon sa mga bata edad 3 hanggang 5 na kasalukuyan ay nasa Day Care Program pati na rin ang hindi naka enroll dito. Ang pagpapakain ay isasagawa sa loob ng 120 araw.

      Ayon sa huling tala ng City Nutrition Division Office patuloy ang pagdami ng mga batang malnourished sa lunsod bunsod sa pagdating ng mga bagong residente mula sa Metro Manila at karatig bayan.

     Ang mga barangay ng Hugo Perez, Cabezas, De Ocampo at Osorio ang tanging barangay na may Supervised Neighborhood Play (SNP) na inaalagaan ng City Nutrition Office.

     Isang malaking hamon ang pangangalaga sa kalusugan ng mga   bata at ng kanilang pamilya para sa pamahalaang lunsod. Malaki ang tulong na ibinaba ng national government sa pamamagitan ng DSWD sa pagtugon sa mga hamon na ito lalo na sa Trece Martires City.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento