Date Issued: September 2014
118th DEATH COMMEMORATION OF
THE THIRTEEN MARTYRS OF CAVITE
“Isang malaking tulong ang para sa kalikasan at sa kinabukasan ang inyong pakikilahok sa RUN FOR NATURE” ng JCI Trece Martires City “Quintana”, saad ni Jojo Bragais ang Pangulo ng JCI sa lunsod sa pagbubukas ng 118th Death Anniversary ng Thirteen Martyrs of Cavite.
Ang Fun Run ay dinayo ng mga amateur at professional runners mula sa ibat ibang bahagi ng lalawigan. Para sa mga kabataang lumahok naging bahagi ito ng kanilang programa upang manatili ang kalusugan ng katawan.
Sa huling tala ng JCI Trece Martires City Quintana nagkaroon ng 415 na mananakbo na karamihan ay kabataang Treceno.
Ang ruta ng Fun Run ay mula sa City Hall patungo sa Pamilihang Panlunsod, Capitol Grounds, BIR Waltermart at pabalik sa Bantayog ng Labintatlong Martir ng Cavite.
Mga larawan mula sa taas: Ang mga mananakbo sa hudyat ng simula ng Fun Run. (Larawan sa Kaliwa) Si Jojo Bragais ang Pangulo ng Trece Martiires City Quintana Jaycees sa kanyang talumpati. (Larawan sa Kanan) Isang talonng kaligayahan sa matagumpay na Fun Run. (Larawan mula kay G. Mario Guy ng Trece Photography Club).
Ang mga natatanging mag-aaral ng Eugenio Cabezas Highschool sa kanilang pagganap sa pagsasadula ng litis at kamatayan ng 13 Martir ng Kabite.
Pagbalik tanaw sa pamamagitan ng pag alay ng bulaklak at pagpapalipat ng mga lobo para sa 13 Martir ng Cavite.
Si Mayor Melan De Sagun kasama ang ilang miyembro ng Sangguniang Panlunsod sa paggunita sa kabayanihan ng 13 Martir ng Cavite
Ang pagpapahalag at pagpupugay sa ating watawat ay ginampanan ng mga miyembro ng Free & Accepted Mason of the Philippines—Trece Martires City Chapter.
Extemporaneous Speech (Talumpatian) & Essay Writing (Malalim na pagsusulat) Competition Year 2
Isa sa mga inantabayanan ng mga estudyante sa ika 118th Kamatayan ng Labintatlong Martir ng Cavite ay ang “extemporaneous speech” o talumpatian at “essay writing” o malalim na pagsusulat na ginanap ng ala-una hanggang alasingko ng hapon.
Ang talumpatian ay nilahukan ng labing-apat na estudyante sa elementarya at sampu sa secondary na nagmula sa pribado at pampulikong paaralan na ginanap sa City Hall lobby na ang mga hurado ay sina G. Franco B. Pelayo, Gng. Lizz abeleen S. Cubo at Eng`r Bienvenido B. Garcia. Samantala ang malalim na pagsusulat ay nilahukan naman ng labinganim sa elementarya at labingisa sa secondarya na nagmula din sa pribado at pampublikong paaralan na ginanap sa session hall na ang mga hurado ay sina Gng. Maria Alma S. Ojeda, Gng. Lei Kristel Lontoc at G. Joselito M. Quintana.
Ang mga nanalo ay nakatanggap ng isang Php 1,500 , Php 1,000 naman sa ikalawang posisyon at Php 500 sa ikatlo at mga medalya na nagmula sa ating Punong Lunsod.
Extemporaneous Speech
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento