Biyernes, Enero 10, 2014

JANUARY 2014 ARTICLE 5

MDS NEWSLETTER
Date Issued: January 2014

PHILIPPINE MEDICAL ASSOCIATION OF CHICAGO HOLDS
MEDICAL SURGICAL MISSION


Medical professionals assembled to start the program proper

   The Philippine Medical Association of Chicago, in cooperation with the Provincial Government of Cavite had successfully conducted a medical outreach program at the City Session Hall last January 27, 2014.
      The City of Trece Martires is one of the three LGU chosen venue in Cavite for the three day medical surgical mission of the said organization with an aim of providing free quality health care to its citizens. Doctors and volunteers had teamed up with the Provincial Health Office assisted by City Health Office - TMC; to line up 28 health professionals: 16 physicians and 12 nurses on duty from FEU Medical University - Medical Alumni Association of Northern Illionois
      The medical mission provided medical services for children (pediatrics), adults (general /family medicine), senior citizens (ophthalmology) and expectant mothers (Obstetrics & Gynecology) for an estimated 838 TreceƱos. Surgical mission followed after the medical     (out-patient) tests between January 28-29 at the General Emilio Aguinaldo Memorial Hospital.
    The Local Government Unit of Trece Martires City is very fortunate  to have this   undertakings from the Filipino professionals of Chicago, Illinois.

Registration Area

Free eye check-up and reading glasses from volunteer optometrists

Medical consultation and blood pressure check-up

Huwebes, Enero 9, 2014

JANUARY 2014 ARTICLE 4

MDS NEWSLETTER
Date Issued: January 2014

2014 EMPLOYEES UNIFORM SCHEDULES

LADIES UNIFORM

MONDAY

TUESDAY

WEDNESDAY

THURSDAY


GENTLEMEN UNIFORMS

MONDAY

TUESDAY

WEDNESDAY

THURSDAY

Miyerkules, Enero 8, 2014

JANUARY 2014 ARTICLE 3

MDS NEWSLETTER
Date Issued: January 2014

PERSONNEL NEWS

2014 RETIREES, WE SALUTE YOU !

                                                
Mrs. Ma. Lucy A. De Sagun HRMO IV Personnel Division
started on August 17, 1972 retired on January 7, 2014




Mr. Osmundo C. Ricafrente Bookbinder IV City Assessor's Office 
started on April 1, 1989 retired on September 29, 2013



Mrs. Noralinda M. Fidel Public Heath Nurse City Health Office
started on February 1, 1981 retired on January 7, 2014



Mrs. Benedicta M. Limbo Sanitation Inspection IV City Health Office
 started on April 27, 1981 retired on January 11, 2014


Being forced to work, and forced to do your best, will breed in you temperance and self-control, diligence and strength of will, cheerfulness and content, and a hundred virtues which the idle will never know.
                                                                                          - Charles Kingsley

Martes, Enero 7, 2014

JANUARY 2014 ARTICLE 2

MDS NEWSLETTER
Date Issued: January 2014


BUSINESS ONE STOP SHOP


This  year the process of serving a business permit was streamlined to five steps, which are:

1. Serve business application at the Business Permit License Office (BPLO).
2. Submit the business application with all the requirements at Business Permit License Office (BPLO) and seek for assessment of all taxes.
3. Pay and serve the Fire Safety Inspection Certification/Clearance.
4. Pay all fees and taxes including arrears and seek the City Treasurer’s clearance/approval.
5. Submit all documents and Official Receipts to Business Permit License Office (BPLO) and receive the Mayor’s Permit and  Business Plates.

The Business One Stop Shop (BOSS) also includes the renewal of Tricycle Franchises in the City.

Lunes, Enero 6, 2014

NUTRITRECE 2014 QUARTER 1

NUTRITRECE ARTICLE 6
Date Issued: 2014

IODIZED SALT – Mahalaga nga ba para sa kalusugan?


Nakita mo na ito sa inyong mga suking tindahan at grocery stores, isa rin itong mahalagang sangkap sa pagluluto ng mga putahe, at hinding hindi ito nawala sa paborito mong French fries. Ano pa nga ba? Ito ay ang iodized salt. Ngunit, ano nga ba ang iodized salt, at ano ang importansyang hatid nito sa mga tao?
Ang iodized salt ay isang uri ng asin na siksik sa isang mahalagang mineral na kung tawagin ay iodine. Ang iodine ay isang element na micronutrient at dietary material na madalas ay matatagpuan sa karamihan sa mga pagkain sa iba’t ibang rehiyon lalo na sa mga bahagi ng tubig.  Ang iodine ay isang mineral na inilalagay sa table salt o asin at makikita sa iba’t ibang kalse ng pagkain. Importante ito para sa maayos na kalusugan ng mga tao. Ngunit ano nga ba ang importansya ng iodized salt, at sa papaanong paraan ito nakatutulong sa pagkakaroon ng mabuting kalusugan?
Mayroong sampung importansya ang iodized salt sa ating katawan. Una, and iodized salt ay tumutulong sa maayos na paggalaw ng thyroid na isang mahalagang hormone para maging maayos ang ating metabolism at ang paglaki at pagdevelop ng ating katawan. Pangalawa, nakatutulong din ito para sa memorya, konsentrasyon at kakayahang matuto na siyang nagagawa ng ating utak. Pangatlo, ang iodized salt ay makatutulong para maiwasan ang miscarriage (pagkakunan) o stillbirths ng mga buntis at crenitism na maaaring makaapekto sa pisikal at mental na pagdevelop ng bata sa sinapupunan. Pang-apat, ito rin ay isang bagay para makayanan ang anxiety o depresyon. Pang-lima, ito ay kumokontrol sa weight o bigat ng katawan sapagkat inaayos nito ang metabolism ng katawan. Pag-anim, ang iodized salt ay tumutulong sa pag-iwas sa masasamang bacteria para maiwasan ang IBS, sakit ng ulo, fatigue, at constipation. Pampito, inaayos nito ang pisikal na anyo ng tao sapagkat pinipigilan nito ang pagkakaroon ng dry skin, at pinapanatili ang paglago ng buhok at kuko at pagkakaroon ng magagandang ngipin. Pang-walo, tinatanggal ng iodized salt ang mga masasamang metal tulad ng lead at mercury at ibang toxins sa katawan. Pang-siyam, may mga pag-aaral na ginawa na nagsabing ang iodized salt daw ay nakatutulong sa pag-iwas ng kanser tulad ng breast, ovary, lung, at prostate cancers. Pang-huli, ang iodized salt ay tumutulong sa pagkakaroon ng mga hormones na siyang nagre-regulate ng heart rate at blood pressure at ito rin ay tumutulong sa pagtunaw ng taba para maiwasan ang sakit sa puso.
Mahalaga ang iodized salt para sa malusog na pangangatawan ngunit laging iisipin na ¼ hanggang ½ na kutsaritang o 200 micrograms iodized salt lamang ang maaaring makuha ng ating katawan. Bukod pa rito, hindi lahat ng asin sa mga pagkain ay iodized kaya naman ibayong pag-iingat pa rin ang kinakailangan para masigurong tama at sapat na iodized salt o pagkain lamang ang ating natitikman.


Bumili  ng iodized salt sa inyong mga BNS at suportahan ang kanilang programa upang mapalaganap ang paggamit nito sa ating mga barangay.

City Nutrition Office
Phone    419  2330
City Tourism and Information Office
Phone: 419 0002
E-mail: info@trecemartirescity.gov.ph

NUTRITRECE 2014 QUARTER 1

NUTRITRECE ARTICLE 5
Date Issued: 2014

BREASTFEEDING – May benepisyong hatid sa mga ina at kanilang sanggol

Madalas nating marinig sa telebisyon o radyo ang mga patalastas ng mga gatas na pambata ang mga katagang “Breast milk is best for babies up to 2 years of age.” Totoo nga ba na ang breast milk o gatas mula sa ina ay mas nakabubuti para sa mga sanggol? Kung totoo, anu-ano naman kaya ang nasabing importansya nito?
Ang breastfeeding o pagpapasuso ng sanggol mula pagkapanganak ay sinasabing isang magandang paraan para ma-develop nang mabuti ang katawan at isip ng sanggol at para na rin maiwasan ang pagkakaroon ng sakit tulad ng diabetes at cancer. Bukod pa rito, maiiwasan rin ng bata ang magkaroon ng allergy, obesity, pagkakasakit at anumang impeksyon. Ang gatas na mula sa ina ay madaling mai-digest ng sanggol kaya naman naiiwasan ang pagkakabag, constipation at diarrhea. Dagdag ay pa rito, ang gatas na iyon ay makapagbibigay ng mga kaukulang nutrisyon sa sanggol at ang komposisyon nito ay nagbabago nang naaayon sa edad ng bata para mabigyan sila ng sapat na nutrisyon habang lumalaki. 
Para naman sa mga ina na kapapanganak pa lamang, ang breastfeeding ay may naibibigay din na tulong para sa kanilang mga sarili. Sinasabi na ang pagpapasuso ay tumutulong para mabilisang maibalik ang anyo o hugis ng uterus gaya ng bago pa lamang mabuntis ang ina. Pangalawa, nakatutulong din ito para makapagpabawas agad ng timbang ang ina pagkatapos nitong manganak. Pangatlo, naiiwasan ang posibleng pagkakaroon ng ovarian cancer at pre-menopausal breast cancer. Pang-apat, ito ay nakababawas ng tsansa na magkaroon ng osteoporosis at gestational diabetes na maaaring mauwi sa Type 2 diabetes.
Sa praktikal na pagtingin, ang pagpapasuso ng sanggol ay makatutulong para makatipid ang ina sa pagbili ng mga mamahaling gatas para sa kanyang anak, at higit sa lahat, magkakaroon pa siya ng pisikal na kontak sa kanyang anak na siyang magiging dahilan para maging malapit ito sa isa’t isa. Kaya para sa mga minamahal naming mga ina, laging tandaan na mahalaga para sa inyong mga anak at sa sarili ang breastfeeding. Sa breastfeeding, magiging maayos ang inyong pisikal, mental at lalung-lalo na ang emosyonal na aspeto ng inyong buhay.



PASALUBONG CHALLENGE

          Ang Rosario ay may sikat na tinapa at daing, ang Tanza ay may malutong na chicharon, ang Kawit ay may pulvoron at vegetable chips, ang Indang ay may sugar palm vinegar, ang General Trias ay may kilalang gatas, ang Dasmarinas naman ay may masarap na buko cheese pie at tarts. Ano naman kaya ang pinagmamalaking pasalubong ng Trece Martires, Cavite?
          Sa darating na Hulyo 2014 ay inaanyayahan ang mga TreceƱo na makilahok sa “Pasalubong Challenge” sa paghahanap ng pasalubong na orihinal at tatak TreceƱo. Sumali na at magbigay ng alinmang produkto na sa tingin niyo ay maipagmamalaki ng Trece Martires. Sa mga nais sumali at para sa karagdagang impormasyon, pumunta at magtanong lamang sa Tourism and Information Division ng Munisipyo ng Trece Martires, Cavite.


NUTRITRECE 2014 QUARTER 1

NUTRITRECE ARTICLE 4
Date Issued: 2014

Tema para sa nalalapit na Nutrition Month Celebration 2014, inaprubahan na "Kalamidad paghandaan: Gutom at Malnutrsyon Agapan!"

Sabi sa isang sikat na kanta ng isang popular na mang-aawit na si Michael Jackson, “Heal the world, make it a better place for you and for me and the entire human race.” Ang mga salitang ito ay may ipinahihiwatig na isang importanteng mensahe para sa mga tao sa buong mundo, at ito ay ang pagkakaisa para mabigyang lunas ang sakit sa lipunan, partikular na ang ating kalikasan. Sa panahon ngayon ay madalas nating makita, marinig o mabasa sa iba’t ibang salik ng impormasyon ang mga balita tungkol sa mga naganap na kalamidad at malupit na hagupit ng kalikasan na siyang sumisira ng ating mga naipundar na bagay, at higit sa lahat ay siya ring maaaring bumawi ng buhay ng ating mga minamahal. Madalas nating makita ang iba’t ibang resulta ng mga kalamidad na ito at isa na rito ay ang posibilidad na kagutuman at malnutrisyon. Ngunit sa kabila  ng lahat, hindi natitinag ang ating kapwa Pilipino para tumulong at malunasan ang problema na ito.
Noong Marso 26, 2014 ay inaprubahan ng National Nutrition Council (NNC) Technical Committee ang tema para sa nalalapit na Nutrition Month Celebration na tinawag na “Kalamidad paghandaan: Gutom at malnutrisyon agapan!” Ang nasabing tema ay opisyal na kinilala sa ikalawang pagpupulong na dinaos ng NNC Technical Committee sa Philippine Statistics Authority sa Makati. Ayon sa NNC, nilalayon ng temang ito na ipakita ang importansya ng paghahanda at pag-iiwas sa gutom at malnutrisyon para bumaba ang mga di magagandang mga resulta na dulot ng kalamidad at iba pang mga disaster. Bukod pa rito, ang tema ay humuhiling sa mga Local Government Units (LGU) sa pamamagitan ng kanilang mga komite ng nutrisyon na makiisa at magplano ng mga bagay para mapaghandaan ng maayos ang mga problema na bigay ng kalikasan.
Ang gutom at malnutrisyon ay palagi na lamang kabilang sa mga mapapait na resultang hatid ng mga kalamidad at ibang sakuna, di lamang dito sa bansa kundi pati na rin sa iba pang mga lugar sa mundo. Walang pinipiling edad, kasarian o katayuan sa buhay ang mga ito kaya naman lahat ng tao ay posible ring makaranas ng kagutuman at malnutrisyon. Ang mga malalaking organisasyon tulad ng World Food Programme (WFP) at Unicef aay tumutulong para sa maagap na pag-aksyon sa problemang ito. Bukod pa rito, may mga ginawa din silang programa para matulungan ang lahat ng bansa para hindi na gaano pang lumala ang suliranin na ito. May mga inilunsad ang Unicef at WFP na mga impormasyon para malaman ng mga local na gobyerno ang mga nararapat na gawin para maagapan ang bagay na ito. Ayon sa dalawang organisasyon na ito ay nagbigay ng Disaster Risk Reduction (DRR) na isang sistema para malaman, masuri, at mabawasan ang mga maaaring dulot ng mga sakuna. Sa Unicef, mayroon tatlong uri ng mga actibidad na ibinigay at kasama rito ang mga maaaring gawing aksyon ng ating mga lokal na gobyerno at lalun-lalo na ng bawat tao sa bansa.
Una ay ang tinatawag na prevention o mitigation. Ito ay ang agapang pag-iwas sa parating na sakuna. Sa prevention o mitigation, kinakailangang siguraduhin ng mga sektor ng nutrisyon na kaagapay at handa sila sa ginagawang assessment ng lokal na gobyerno ukol sa parating na sakuna. Mababawasan din ang impact ng mga kalamidad sa mga bata sa pamamagitan ng pagkakaroon ng care practices tulad ng eksklusibong pagpapasuso sa mga sanggol at tama o balance na pagpapakain sa mga bata. Kinakailangan din na malaman ng lokal na gobyerno ang mga kaso ng malnutriyson sa kanilang lugar at iba pa na posibleng maging malnourished.
Ang sumunod ay ang preparedness o paghahanda. Dito ay dapat maging alerto at handa na ang mga serbisyo pang-nutrisyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga early warning system sa kanilang komunidad. Dapat din ay malaman na ng mga kinauukulan ang mga lugar kung saan magiging malala ang kaso ng kagutuman at malnutrisyon para maging handa at mabawasan ang kaso na ito.
Ang huli ay ang response o early recovery. Pagkatapos ng sakuna ay kinakailangan pa ring makipagtulungan ang gobyerno sa iba’t ibang sektor at organisasyon na may kaugnayan sa nutrisyon para malaman ang mga bagong kaalaman o impormasyon para tuluyang maayos at maiwasan ang pagkagutom at malnutrisyon. Bukod pa dito, nararapat lamang na makapag-isip ang mga opisyal ng gobyerno ng mga alternatibong pagkukunan ng pagkain para di na tuluyan pang magkaroon ng problema sa pagkukunan ng pagkain ng mga tao.
Ang mga hakbang na ito ay ginawa ng Unicef, WFP, at iba pang organisasyon hindi lamang para sa nasyunal, o lokal na pamahalaan. Ito ay ginawa para sa ikabubuti ng lahat ng mamamayan ng bansa. Nararapat lamang na magkaroon tayo ng sapat na kaalaman at pagkukusa sa paghahanda at pag-iwas sa mga maaaring epekto ng kalamidad at sakuna. Sabi nga nila, ang lahat ng magagandang bagay ay nagagawa kung makikipagtulungan ang lahat. At sa pagtutulungan ng lahat ay mapapanatili natin ang maayos na pakikipag-ugnyan ng tao at ng kalikasan.

NUTRITRECE 2014 QUARTER 1

NUTRITRECE ARTICLE 3
Date Issued: 2014

RESULTA NG PAGSUSURI PARA SA OUTSTANDING BARANGAY CY 2013


                Isa pagsusuri ang isinagawa para sa Outstanding Barangay para sa Nutrisyon na pinangunahan ng Nutrition Division. Ayon sa mga resulta, nagwagi ang Barangay Inocencio sa total score na 98.50 laban sa labin-dalawang barangay ng Trece Martires. Narito ang buong resulta ng evaluation:

Most Outstanding Barangay - Barangay Inocencio (98.50)
2nd Place – Barangay  San Agustin (97.39)
3rd Place – Barangay  Aguado (96.55)
4th Place – Barangay  Lallana (94.07)
5th Place – Barangay  Conchu (94.03)
6th Place – Barangay  Hugo Perez (93.16)
7th Place – Barangay  Cabuco (91.69)
8th Place – Barangay Lapidario (91.13)
9th Place – Barangay  Cabezas (80.28)
10th Place – Barangay Gregorio (76.99)


Brgy. Inocencio—Most Outstanding Barangay for Nutrition 2013


Brgy. San Agustin—2nd Placer


Brgy. Lallana—4th Placer

RESULTA NG PAGSUSURI PARA SA OUTSTANDING BARANGAY NUTRITION SCHOLARS (BNS) CY 2013

Noong Enero hanggang Pebrero 21, 2014, nagkaroon din ng pagsusuri ang Nutrition Division ng Office of the City Mayor ng Trece Martires para sa Outstanding Barangay Nutrition Scholars (BNS). Ang mga naging resulta ay inihanda ng City Nutrition Program Coordinator Maria Nelida A. Herrera at inaprubahan ng City Action Officer Wenda P. Garcia.
Ayon sa resulta, narito ang mga kinilalang Outstanding Barangay Nutrition Scholar 2013:
Most Outstanding Barangay Nutrition Scholar – Leonida V. Herrera
2nd Place – Cita V. Nueva
3rd Place – Mary Anne V. Hernandez
4th Place – Jeanelyn C. Rodil
5th Place – Jessie C. Romano
6th Place – Jofe A. Tolentino
7th Place – Leilani A. Leachon
8th Place – Teresita V. Pangilinan
9th Place – Deborah R. Villamor
10th Place – Bernardita V. Briones


2013 Outstanding BNS ng Barangay Inocencio

NUTRITRECE 2014 QUARTER 1

NUTRITRECE ARTICLE 2
Date Issued: 2014

WENDA PAREY-GARCIA, CNAO

Noong nakaraang Marso uno ay ideneklara ng pamunuang lungsod si Gng. Wenda Perey Garcia na bagong Division Chief ng City Nutrition Office.
                 Si Gng. Garcia ay tubong Barangay San Agustin at nag-aral ng elementarya central at high school TMC National Highschool.  Nagtapos noong 2003 sa kursong BS Nutrition sa University of the Philippines Los Banos at nakatapos  ng Masters    Degree in Public Administration sa Eulogio Amang Rodrigues Institute of Science and Technology.
Nakamit niya ang kanyang Nutritionist Dietitian License noong July 13, 2004 sa PRC at pasado rin sya sa Cvil Service Professional Examination noong March 16, 2004
Nagsilbi si Wenda bilang Nutritionist Office Staff sa City Nutrition Office mula Octubre  2003 hanggang  Disyembre 2004. Lumipat sya sa Cavite Provincial Health Office bilang Nutritionist Dietician I noong 2005 at na promote sa Nutritionist Dietician II noong 2007.
Ang kanyang adbokasiya sa nutrisyon ay nakatuon sa pamamahagi ng impormasyon  at importansya ng breastfeeding at patuloy na pagtataas at pagsasaayos ng antas ng kalagayang pangnutrisyon ng ating bayan.

2013 JOINT CALABARZON AND MIMAROPA REGIONAL NUTRITION AWARDING CEREMONY


2013 Joint Calabarzon & Mimaropa Regional Nutrition Awarding Ceremony


TMC BNS’ Cita Nueva, Mary Ann Hernandez, Jessie Romano at Jenny Rodil



Cita Nueva, habang tumatanggap ng parangal bilang finalist ng Outstanding BNS sa Region IV-A



Ang delgasyon mula sa Trece Martires City  kasama si Dir. Carina

NUTRITRECE 2014 QUARTER 1

NUTRITRECE Article 1
Date Issued: 2014

UNANG PAGPUPULONG NG CNC, IDINAOS

“Ang malusog na kabataan ay kasig-uraduhan na ang pamayanan ay nasa mabuting kalagayan” ani ni Mayor Melan De Sagun and Chairman ng City Nutrition Com-mittee sa idinaos na unang pulong ang noong Lunes, ika-31 ng Marso 2014.
Ang nasabing pulong ay dinaluhan ng iba-ibang miyembro ng CNC mula sa iba’t ibang opisina ng Trece Martires tulad ng Mayor’s Office, Sanggunian, Planning, Treasurer’s Office, Budget Office, Accounting, City DSWD, Health Office, Engineer’s Office, FEDHA, Rotary Club of TMC, Trece Martires City College at JCI Trece Martires Quintana.
Napagusapan sa pulong ang apat na pangunahing paksa. Una ay ang pagpapakilala sa mga bagong opisyal ng City Nutrition Office sa katauhan ni Gng. Wenda Perey-Garcia. Su-munod dito ay ang pagsasaayos ng organisasy-on ng City Nutrition Committee (CNC). Binig-yang halaga din ng CNC ang mga naisagawa nito sa taong 2013. Isa na rito ay ang pagkuha ng 96% OPT (Operation Timbang). Ayon sa mga naobserbahan at nalikom na mga dokumento, 96% sa 620 na bata ang naging ‘underweight’ at nabigyan ng aksyon. Mayroon ding 158 bata na naitalang ‘severely underweight’. 48 sa ka-nila ay nabigyan ng mabilisang aksyon saman-talang ang 33 naman ay napasama sa mga ‘underweight’. Sa kabutihang-palad, 20,605 ay nasa ‘normal weight’ o maayos na kalusugan.
Bukod pa dito, inalala din ng CNC ang nasagawang PGN training noong Abril 22-26, 2013. Ipinagmalaki rin sa pulong ang mga nana-lo sa tatlong magkakaibang kompetisyon noong nakaraang taon.
Una dito ay ang pagkapanalo ng barangay Hugo Perez bilang 3rd place Outstanding Regional Level, sunod ay ang pagkakabilang kay Cita Nueva na finalist sa Regional Outstanding Barangay Nu-trition Scholar Award na ginanap sa Heritage Ho-tel, Manila (makikita ang larawan ng awarding sa pahina 2). Ang huli ay ang pagkapanalo ni Melanie Colada bilang 2nd Runner-Up at Best in Long Gown sa Ms. BNS 2013 sa unang Regional BNS Congress.
Sa huli ay napagusapan sa pulong ang mga plano at programa ng CNC para sa taong 2014. Balak ng CNC na magkaroon ng isang team building activity, BNS training at ikalawang batch ng PGN training. Sa Hunyo 9-11, 2014 naman ay ang pagdating ng Regional Evaluating Team para sa local nutrition program. Inihahanda na rin ng komite ang gaganaping Nutrition Month Celebra-tion ngayong taong 2014. Kasama na rin sa natur-ang paghahanda ay ang pagnanais ng CNC na ipaalam at ipamahagi ang importansya ng iodized salt sa mga residente. Bukod dito, binukas din ang suhestyon ang paglalaan ng sweldo para sa mga Barangay Nutrition Scholars (BNS).

JANUARY 2014 ARTICLE 1

MDS NEWSLETTER
Date Issued: January 2014


CITY GOVERNMENT ORGANIZED ANNUAL BOSS


             The Business Permit and License Division of the City Government of Trece Martires City had made their final call for the renewal of permits and transport services through Business One Stop Shop (BOSS) last January 2-20, 2014 at the City Hall Lobby.
             BOSS is the simplified registration process that gives convience for all applicants in services like business permits, tricycle franchise, transport services, number of MP-delivery truck, wiring permits, mayor’s permit and several other special permits because all offices and attached agencies necessary are gathered together in the lobby of the city hall. Additionally, those who were able to process their documents on the said date were entitled to have 10% discount on the processing fees.
               According to the tally made by the Business Permit License Division (BPLD) during BOSS, there 111 new business permits, over 1,357 renewed business permit and 115 closure. Tricycle franchise numbered 98 for new franchise, 1,581 for renewal and 112 for cancelled. There are 12 new and 50 renewal in terms of transport services and total of 5 number of MP-Delivery trucks.There is also grand total of 125 wiring permits (111 for residential and 14 for commercial).  Special permit on the other hand has an overall number of 59, majority are peddlers (56) and lastly, Mayor’s permit had the least number of applicant, for only 6 applying for a residential building permit.
               The given figures had shown that BOSS had been favored by most Trecenos because of its simplicity, convenience and effiency in handling important business transactions.




The Business One Stop Shop (BOSS) Operations.