Date Issued: 2014
IODIZED SALT – Mahalaga nga ba para sa kalusugan?
Nakita mo na ito sa inyong mga suking tindahan at grocery stores, isa rin itong mahalagang sangkap sa pagluluto ng mga putahe, at hinding hindi ito nawala sa paborito mong French fries. Ano pa nga ba? Ito ay ang iodized salt. Ngunit, ano nga ba ang iodized salt, at ano ang importansyang hatid nito sa mga tao?
Ang iodized salt ay isang uri ng asin na siksik sa isang mahalagang mineral na kung tawagin ay iodine. Ang iodine ay isang element na micronutrient at dietary material na madalas ay matatagpuan sa karamihan sa mga pagkain sa iba’t ibang rehiyon lalo na sa mga bahagi ng tubig. Ang iodine ay isang mineral na inilalagay sa table salt o asin at makikita sa iba’t ibang kalse ng pagkain. Importante ito para sa maayos na kalusugan ng mga tao. Ngunit ano nga ba ang importansya ng iodized salt, at sa papaanong paraan ito nakatutulong sa pagkakaroon ng mabuting kalusugan?
Mayroong sampung importansya ang iodized salt sa ating katawan. Una, and iodized salt ay tumutulong sa maayos na paggalaw ng thyroid na isang mahalagang hormone para maging maayos ang ating metabolism at ang paglaki at pagdevelop ng ating katawan. Pangalawa, nakatutulong din ito para sa memorya, konsentrasyon at kakayahang matuto na siyang nagagawa ng ating utak. Pangatlo, ang iodized salt ay makatutulong para maiwasan ang miscarriage (pagkakunan) o stillbirths ng mga buntis at crenitism na maaaring makaapekto sa pisikal at mental na pagdevelop ng bata sa sinapupunan. Pang-apat, ito rin ay isang bagay para makayanan ang anxiety o depresyon. Pang-lima, ito ay kumokontrol sa weight o bigat ng katawan sapagkat inaayos nito ang metabolism ng katawan. Pag-anim, ang iodized salt ay tumutulong sa pag-iwas sa masasamang bacteria para maiwasan ang IBS, sakit ng ulo, fatigue, at constipation. Pampito, inaayos nito ang pisikal na anyo ng tao sapagkat pinipigilan nito ang pagkakaroon ng dry skin, at pinapanatili ang paglago ng buhok at kuko at pagkakaroon ng magagandang ngipin. Pang-walo, tinatanggal ng iodized salt ang mga masasamang metal tulad ng lead at mercury at ibang toxins sa katawan. Pang-siyam, may mga pag-aaral na ginawa na nagsabing ang iodized salt daw ay nakatutulong sa pag-iwas ng kanser tulad ng breast, ovary, lung, at prostate cancers. Pang-huli, ang iodized salt ay tumutulong sa pagkakaroon ng mga hormones na siyang nagre-regulate ng heart rate at blood pressure at ito rin ay tumutulong sa pagtunaw ng taba para maiwasan ang sakit sa puso.
Mahalaga ang iodized salt para sa malusog na pangangatawan ngunit laging iisipin na ¼ hanggang ½ na kutsaritang o 200 micrograms iodized salt lamang ang maaaring makuha ng ating katawan. Bukod pa rito, hindi lahat ng asin sa mga pagkain ay iodized kaya naman ibayong pag-iingat pa rin ang kinakailangan para masigurong tama at sapat na iodized salt o pagkain lamang ang ating natitikman.
Bumili ng iodized salt sa inyong mga BNS at suportahan ang kanilang programa upang mapalaganap ang paggamit nito sa ating mga barangay.
City Nutrition Office
Phone 419 2330
City Tourism and Information Office
Phone: 419 0002
E-mail: info@trecemartirescity.gov.ph
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento