Date Issued: 2014
UNANG PAGPUPULONG NG CNC, IDINAOS
“Ang malusog na kabataan ay kasig-uraduhan na ang pamayanan ay nasa mabuting kalagayan” ani ni Mayor Melan De Sagun and Chairman ng City Nutrition Com-mittee sa idinaos na unang pulong ang noong Lunes, ika-31 ng Marso 2014.
Ang nasabing pulong ay dinaluhan ng iba-ibang miyembro ng CNC mula sa iba’t ibang opisina ng Trece Martires tulad ng Mayor’s Office, Sanggunian, Planning, Treasurer’s Office, Budget Office, Accounting, City DSWD, Health Office, Engineer’s Office, FEDHA, Rotary Club of TMC, Trece Martires City College at JCI Trece Martires Quintana.
Napagusapan sa pulong ang apat na pangunahing paksa. Una ay ang pagpapakilala sa mga bagong opisyal ng City Nutrition Office sa katauhan ni Gng. Wenda Perey-Garcia. Su-munod dito ay ang pagsasaayos ng organisasy-on ng City Nutrition Committee (CNC). Binig-yang halaga din ng CNC ang mga naisagawa nito sa taong 2013. Isa na rito ay ang pagkuha ng 96% OPT (Operation Timbang). Ayon sa mga naobserbahan at nalikom na mga dokumento, 96% sa 620 na bata ang naging ‘underweight’ at nabigyan ng aksyon. Mayroon ding 158 bata na naitalang ‘severely underweight’. 48 sa ka-nila ay nabigyan ng mabilisang aksyon saman-talang ang 33 naman ay napasama sa mga ‘underweight’. Sa kabutihang-palad, 20,605 ay nasa ‘normal weight’ o maayos na kalusugan.
Bukod pa dito, inalala din ng CNC ang nasagawang PGN training noong Abril 22-26, 2013. Ipinagmalaki rin sa pulong ang mga nana-lo sa tatlong magkakaibang kompetisyon noong nakaraang taon.
Una dito ay ang pagkapanalo ng barangay Hugo Perez bilang 3rd place Outstanding Regional Level, sunod ay ang pagkakabilang kay Cita Nueva na finalist sa Regional Outstanding Barangay Nu-trition Scholar Award na ginanap sa Heritage Ho-tel, Manila (makikita ang larawan ng awarding sa pahina 2). Ang huli ay ang pagkapanalo ni Melanie Colada bilang 2nd Runner-Up at Best in Long Gown sa Ms. BNS 2013 sa unang Regional BNS Congress.
Sa huli ay napagusapan sa pulong ang mga plano at programa ng CNC para sa taong 2014. Balak ng CNC na magkaroon ng isang team building activity, BNS training at ikalawang batch ng PGN training. Sa Hunyo 9-11, 2014 naman ay ang pagdating ng Regional Evaluating Team para sa local nutrition program. Inihahanda na rin ng komite ang gaganaping Nutrition Month Celebra-tion ngayong taong 2014. Kasama na rin sa natur-ang paghahanda ay ang pagnanais ng CNC na ipaalam at ipamahagi ang importansya ng iodized salt sa mga residente. Bukod dito, binukas din ang suhestyon ang paglalaan ng sweldo para sa mga Barangay Nutrition Scholars (BNS).
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento